^

Metro

Values formation family day program ni VM Joy Belmonte, umarangkada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umarangkadang muli ngayong Setyembre ang values formation family day program ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na sinimulan noong taong 2011.

Sa ilalim ng programa, sa pakikipagtulungan ng Vice Mayors Office at ng Division of QC Schools ay naglaan ang mga ito ng apat na weekend training workshop para sa mga magulang ng lahat ng QC public elementary at high school students.

“The program aims to instill and nurture proper and desirable values  among parents so that they will become responsible, caring, law-abiding parents and members of community”, pahayag ni Belmonte.

Anya mahigit na sa 13,000 magulang ang nakakum­pleto na ng programa at may 6,390  pang mga magulang ng mga mag-aaral sa 142 public elementary at high schools  ang magtatapos  ngayong Setyembre.

Ngayong taon, ang tanggapan ni Belmonte at Division of City Schools ay nakipagtulungan sa Movie  and Television Review and Classification Board para mai-promote ang ‘Matalinong Panonood ng Pamilya ni Juan at Juana campaign’.

Ang movie screening at orientation ay ginagawa sa Amoranto Stadium. Ang naturang programa ay magkakasamang itinataguyod nina Vice Mayor Belmonte, MTRCB chair Eugenio Villareal at Dr. Elizabeth Quesada-Supe-rintendent ng School Division sa QC.

AMORANTO STADIUM

ANG

BELMONTE

DIVISION OF CITY SCHOOLS

DR. ELIZABETH QUESADA-SUPE

EUGENIO VILLAREAL

MATALINONG PANONOOD

NBSP

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SCHOOL DIVISION

SETYEMBRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with