^

Metro

Guadalupe nalinis sa sidewalk vendors

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang bahagi nang pagpapaluwag ng EDSA para maresolbahan ang trapik, nagpatupad ng clearing operation ang pama­halaang lungsod ng Makati mula sa Guadalupe Nuevo at Guada­lupe Viejo (Loyola) laban sa mga traffic obstruction tulad ng mga sidewalk vendor.

Ayon kay Makati Acting Mayor Romulo “Kid” Peña, ang nasabing paglilinis ay ginawa upang magkaroon ng ligtas at sapat na espasyo para sa mga naglalakad na mamamayan sa halip na gamitin ang highway.

“Nakagisnan na natin ang mga vendor sa mga bangketa ng Guadalupe Nuevo, kung kaya’t ang mamamayan ay napipilitang maglakad sa highway. Ang matagumpay na operasyong ito ay isang pang­kalahatang pagsusumikap, at nagpapasa­lamat ako sa DES at PSD sa pag-aasiste sa Makati sa makabuluhang aktibidad na ito,” ayon kay Peña.

Sinabi ni Peña na hindi nila pinaalis ang mga vendor, nagkaroon lamang sila ng maayos na pag-uusap at iminungkahi nila  sa mga ito  na itigil na ang pagtitinda sa bangketa at nagtalaga  sila ng isang lugar para sa pagtitindahan ng mga ito.

Bukod dito,  lahat ng jeep ay hindi na pinapayagang magtagal sa pagsasakay ng mga pasahero, kailangan nilang umandar agad kapag ang traffic signal sa Cloverleaf ay nasa  berde na.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BILANG

BUKOD

GUADA

GUADALUPE NUEVO

MAKATI

MAKATI ACTING MAYOR ROMULO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with