^

Metro

Rollback sa presyo ng petrolyo, ipinatupad

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpatupad nga­yong araw na ito (September 22) ng rollback ang ilang kompanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Ang pagpapatupad ng bawas presyo  ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, kung saan bumaba ng P0.35 kada litro ng kanilang gas, ang krudo naman ay bumaba ng P0.50 kada litro at ang kerosene ay bumaba naman ng P0.45 kada litro.

Ayon sa Pilipinas Shell, ala-1:00 ng madaling araw naging epektibo ang rollback sa kanilang mga produkto.

Asahan na ring susunod na mag-aanunsiyo ng rollback ang iba pang  oil companies na may kaparehong halaga.

Ang bawas presyo ay bunsod nang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan, na noong nakaraang linggo (September 15) huling nagpa­tupad ng oil price hike sa kanilang gas ang ilang oil companies, samantalang wala namang paggalaw sa presyo sa kanilang ke­rosene at krudo.

 

ACIRC

ANG

ASAHAN

AYON

BUMABA

KADA

KANILANG

LITRO

MATATANDAAN

PILIPINAS SHELL

PRESYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with