Beep cards, magagamit na sa LRT 1

Beep cards, magagamit na sa LRT 1

MANILA, Philippines – Simula ngayong araw ay maaari nang gami­tin ang bagong beep card sa lahat ng northbound stations ng Light Rail Transit (LRT-1).

Ito ang inianunsyo ni LRT Authority (LRTA) Spokesman Hernando Cabrera sa kanyang offi­cial Twitter account na @attycabs.

Bunsod nang pagga­mit ng contactless beep card system ay inaasahang magtatapos na ang paggamit ng paper coupons bilang pansamantalang solusyon sa mga aberyang naranasan sa bagong sistema.

Ayon sa AF Payments, Inc. at sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), nitong nakalipas na anim na linggo ay nagdoble-kayod ang kanilang technical at operations team, katuwang ang LRTA at Department of Transportation and Communications (DOTC), upang makumpleto ang instalas-yon at end to end testing para mabenepisyuhan ang mga LRT 1 train ri-ders sa beep card at magamit ito sa magkabilang direksyon sa lalong madaling panahon.

Ang LRMC ang siyang nag-ooperate at nagmamantine ng LRT-1 habang ang LRTA naman ang nag-o-operate at nagmamantine sa LRT-2. Target din ng kompanya na makapag-install ng beep card system sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Show comments