^

Metro

Pag-suweldo ng mga kawani ng Makati City Hall bawal ang proxy, kukunan pa ng CCTV

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bawal ang proxy  at ku­kuhanan ng  CCTV camera ang sinumang kawani ng Makati City Hall Office na kukuha ng kanyang sweldo para malaman ang mga tinaguriang “ghost emplo-yees”.

Ito ang mahigpit na direktiba ni Makati City Acting Mayor Romulo “Kid” Peña sa lahat ng kawani ng city hall.

Ayon kay Arthur Cruto, head ng Makati Action Cen-ter (MAC) at in-charge din sa audit, naglagay sila ng mga makabagong equipment, tulad ng CCTVs, computers, digital cameras at finger print scanners upang i-record at i-monitor ang lahat ng mga lehitimong kawani ng Makati City Hall.

Sinumang kawani na kukuha ng kanilang sweldo ay gagamitan ng mga makabagong equipment, upang matiyak kung siya nga ay lehitimong empleyado ng city hall.

Ayon pa kay Cruto, bukod sa mga modern equipment, bawal na ring kumuha ng suweldo ang proxy, kaila-ngan aniya ang mismong empleyado lamang ang kukuha ng kanyang sweldo.

Ayon naman ay Gibo Delos Reyes, chief ng Public Information Office (PIO) ng Makati City Hall, sa susunod na Lunes ay malalaman na rin ang tungkol sa report na mga “ghost employees” sa city hall.

ACIRC

ANG

ARTHUR CRUTO

AYON

CITY

GIBO DELOS REYES

MAKATI ACTION CEN

MAKATI CITY ACTING MAYOR ROMULO

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY HALL OFFICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with