^

Metro

Police Memorial Day, ginunita

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginunita kahapon sa Marikina City ang pag-alala sa mga namayapang pulis na naglingkod ng tapat sa bayan at sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Nagsagawa ng memorial walk mula sa Freedom Park patungong Loyola Memorial Park ang mga lokal na opis­yal ng Marikina at mga opisyal ng Eastern Police District (EPD) kung saan nakahimlay ang 115 na tapat na nagserbisyo sa kanilang tungkulin. ??

Nag-alay ng bulaklak sa bawat puntod ng mga pulis, na sinundan ng 21-gun salute.?

Dumalo sa paggunita si Camarines Sur Representative Leni Robredo bilang guest of honor.?

Sa speech sa harap ng mga naulila ng mga pulis, ibinahagi ni Robredo ang sakit ng pagkawala ng minamahal sa buhay.?

Taong 2012 nang ma-biyuda ang mambabatas matapos bumagsak sa Masbate ang eroplanong sinasakyan ng asawang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.?

Nakiisa rin sa pagdiriwang ang kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organizations at ci­vic groups.

ACIRC

ANG

CAMARINES SUR REPRESENTATIVE LENI ROBREDO

DUMALO

EASTERN POLICE DISTRICT

GINUNITA

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA CITY

MASBATE

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with