Tolentino walang ‘political will’

Tinukoy ni Tolentino na bigo nilang malinis ang mga illegal sidewalk vendor sa ilang lugar sa Metro Manila, tulad sa area ng Balintawak sa Quezon City.? AJ Bolando/Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Maituturing na walang “political will” ang kasalukuyang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pamahalaan ang naturang ahensiya.?

Ito’y matapos aminin ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na  bigo silang linisin ang mga nagkalat na sidewalk vendor, na isa pa rin sa nakadagdag sa masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila. ??

Tinukoy  ni Tolentino na bigo nilang malinis ang mga illegal sidewalk vendor sa ilang lugar sa Metro Manila, tulad sa area ng Balintawak sa Quezon City.?

Subalit, nang mag-take over ang Philippine National Police, Highway Pat­rol Group  (PNP-HPG) sa EDSA ay naitaboy ng mga ito ang mga illegal sidewalk vendor sa naturang lugar. Nabatid, na ang traffic obs­truction ay isa sa mga pangunahing dahilan ng masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila lalu na sa EDSA.?

Ayon sa mga motorista, hinintay pa aniya na ang HPG ang mag-take-over na indikasyon wala palang political will si Tolentino na pamahalaan ang naturang ahensiya.

Show comments