Jeepney driver, utas sa holdaper

MANILA, Philippines – Sumakabilang buhay na ang jeepney na binaril ng mga holdaper noong naka­raang Setyembre 7 sa No-va­liches, Quezon City.

Ang biktimang si Robert Ocampo, 47, ng Villareal St., Brgy. Gulod, Novaliches, ay sinawimpalad  habang nakaratay sa Quezon City General Hospital dahil sa tama ng   bala sa likod  at pisngi.

Nabatid sa imbestigas­yon ng Criminal Investiga­tion and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang holdapin ng 2 lalaki ang minamanehong pampa-saherong jeep ni Ocampo.

Pumalag umano si    Ocam­­po kung kaya’t binaril siya ng mga ito sa may Quirino Highway.

Gayunman,  ganap na alas-5:00 ng madaling-araw ay namatay ang biktima  habang nakaratay sa QCGH. Patuloy naman ang pagtugis sa mga suspect.
 

Show comments