Pedicab driver kinatay ng vendor

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang pedi­cab driver nang paluin ng bote ng alak sa ulo, gilitan ang leeg at tadtarin ng saksak ng nakaaway na fruit vendor sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Fernando Maranon, 48,  residente ng  La Torre corner Antonio Rivera Sts. Binondo, Maynila.

Tinutugis na ang suspek na si Faustino Bacani, 51, ng San Nicolas St. Tondo,Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa tapat ng Seng-Guan Temple sa Narra St., sakop ng Tondo.

Isang testigo ang nagsabi na nakitang nagsisigawan ang biktima at suspek at nakita na lang na pinalo ng bote ng beer ang biktima at sinaksak sa leeg bago kumuha pa ng patalim na ipinangsaksak sa katawan nito.

Hindi pa tukoy ang motibo o dahilan sa pamamaslang .

Show comments