MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bebot ng hindi pa nakikilalang mga salarin nang mapadayo ang una sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Patuloy na kinikilala ng pulisya ang nasawi na nasa edad 40- anyos, may kapayatan, 5’2” ang taas, at nakasuot ng pulang kamiseta, itim na pantalon, at itim na rubber shoes.
Sa ulat, dakong alas- 8:30 ng gabi nang pumailanlang ang sunud-sunod na putok ng baril sa may 2nd Street, 3rd Avenue East, Brgy. 119, ng naturang lungsod.
Rumesponde ang mga tauhan ng Police Assistance Center 5 ngunit bigo na masakote ang suspect.
Wala namang nakakakilala sa biktima sa mga residente at sinasabing dayo lamang ito sa kanilang lugar bagama’t nagpapabalik-balik umano ito.