Dealer ng DVD, itinumba

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang pulisya laban sa  hinihinalang hired killer  makaraang barilin sa batok ang dealer ng DVD sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Ro-bert  B. Sales, hepe ng Ba­tasan Police Station 6, ang biktima na si Edward Fragata, 56 ng  no. 184 Sct. Chua­toco St., Bgy Roces, Quezon City na agad na namatay dahil sa isang  tama ng bala ng baril sa batok nito.

Isinalarawan naman ang suspek na  may ka­tam­tamang pangangatawan, may taas na 5’3”,  nakasuot  ng bullcap na may kulay pula  at  nakasuot  ng jersey.

Base  sa  report, ganap  na alas – 3:30  ng hapon nang barilin  ng suspek  ang biktima  sa kanto  ng Litex Road at IBP Road , Bgy. Commonwealth sa QC.

Sa CCTV footage nakita na nakatayo ang suspek sa lugar sa may mga bato at halatang naiinip  sa paghihintay. Ilang saglit, dumating ang biktima  papalapit  sa suspek   at nag – usap  habang patuloy sa paglalakad ang una at sumusunod ang suspek.

Habang naglalakad na magkasunod ang dalawa ay  bigla na lamang bumunot ng baril  ang suspek at malapitang  binaril sa batok si Fragata.

Makaraan ang pama­maril, agad na tumakas ang naturang suspek.

Show comments