Resto sa Binondo nasunog

Makikitang naipit sa itaas ng nasusunog na gusali sa Soler sa panulukan ng Gandara Sts. sa Binondo, Manila­ ang mga residenteng ito nang sumiklab ang apoy. Isa-isa naman silang na-rescue ng mga nagrespondeng fire fighters ang may 11 residente sa ika-4 na palapag ng gusali­. Bernardo Batuigas

MANILA, Philippines - Natupok ng apoy ang isang seafood restaurant sa Binondo, Maynila, kung saan may 11 residente sa itaas ng gusali ang naipit at isa-isang ni-rescue ng mga bumbero sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 11, nag­simula ang apoy dakong alas-  4:00 ng madaling-araw sa kusina ng Golden Fortune Res­­taurant sa Soler st, panulukan ng Sabino Padilla Sts., Binondo na umabot sa ika-4 na alarma at naideklarang fire-out alas-6:17 ng umaga.

Sa kasagsagan ng sunog may 11 residente sa itaas ng gusali ang na-trap sa maka­pal na usok kung kaya guma­mit ng mataas na ladder ang mga bumbero at doon isa-isa silang ni-rescue.

Posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na wala namang naitalang ca­sualty o nasugatan.

Show comments