^

Metro

Dahil sa water interruption, klase sinuspinde

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa matinding pagkawala ng supply ng tubig, napilitan ang pamahalaang lungsod ng Maynila at ma­ging ang Pasay City na mag­­­suspinde ng klase sa mga paaralan.

Sinuspinde na kahapon ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  klase hanggang ngayon sa ilang mga pam­publikong paaralan sa lungsod dahil sa kawalan ng supply ng tubig.

Sa kanyang  Executive Order No. 19, inutos ni Estrada ang suspensiyon ng klase sa elementary at high school sa ilang  lugar sa lungsod matapos  ang water interruption.

Nagsimula ang water service interruption noong Lunes, 1:00 ng hapon at ta­tagal hanggang 10:00  Huwebes ng  gabi.  Mauulit ang  water interruption sa Agosto 17-18.

Kabilang sa mga paaralang  suspendido ang  klase ay ang  Torres High School, Lakandula High School, Manuel L. Quezon High School, F.G. Calderon High School, F. G. Calderon Elem. School; na pawang sakop  ng   District 2;  T. Alonzo High School, C. Arellano High School, Jose Abad Santos High School at Raja Soliman High School, sa District 3.

Habang sa Dist. 5 ( Intramuros, Ermita, Malate, Paco, Port Area) walang klase sa  Manila Science High School, Manila High School, Araullo High School, Justo Lukban Elementary School, Aurora Quezon Elementary School at Epifanio delos Santos Elementary School.

Wala ding klase ang lahat ng antas sa Philippine Normal University at Technological University of the Philippines ngayong Miyerkules.

Samantala,  inanunsiyo kahapon ng Pasay City Hall Office ang pagsuspinde sa klase bilang hakbangin nila hinggil sa pansamantalang kawalan ng tubig sa lungsod at ilang lugar sa Kalakhang Maynila.

Sinimulan ang suspension ng klase sa lahat ng antas mula Agosto 11 hanggang 12 ng taong kasalukuyan.

Nabatid, na nagsimula ang water service interruption ay  Lunes, ala-1:00 ng hapon at tatagal ito hanggang alas-10:00 ng gabi sa Huwebes (Agosto 13).

Magpapatuloy naman ito sa Agosto 17, ala-1:00 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon sa Agosto 18.

Ang water interruption na pinatutupad ng Maynilad at bunsod ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang mga apektadong  lugar sa Southern Metro Manila ay ang Pasay, Parañaque, Makati, Muntinlupa, Las Piñas City at Cavite.

ACIRC

AGOSTO

ALONZO HIGH SCHOOL

ANG

ARAULLO HIGH SCHOOL

ARELLANO HIGH SCHOOL

ATILDE

HIGH

KLASE

NBSP

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with