^

Metro

3 wanted tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang operas­yon ng Northern Police District (NPD) laban sa mga wanted­ sa batas makaraang tatlong pinaghahanap na may warrant of arrest ang nadakip sa sunud-sunod na operasyon.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-7 kahapon ng umaga nang madakip ang no. 7 most wanted ng lungsod na si Jomar Damasco, 23, na nahaharap sa kasong frus­trated murder.

Nasakote si Damasco sa ikinasang operasyon sa Tambak Uno Brgy. Tanza­, ng naturang lungsod.  Hindi na ito nakapanlaban nang ihain sa kanya ang warrant of arrest buhat sa Malabon Regional Trial Court Branch 170.

Sa ulat naman ni Ca­loocan City Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante, kinilala nito ang mga nadakip ng Warrant and Subpoena Section na sina Army Ciano, nahaharap sa kasong adultery, at si Jefferson Alejandro, na nahaharap naman sa kasong frustrated murder.

Naaresto si Ciano dakong alas-4:30 ng hapon sa tinutuluyang bahay sa may Baesa, Caloocan. Hindi na ito nakapalag nang ihain sa kanya ang warrant arrest na inilabas ng Branch 3 ng Municipal Trial Court ng Baguio City.

Dakong alas-4 ng hapon ng madakip si Ale­jandro sa loob ng bahay nito sa may Block 7 Tamban Street, Brgy. 20, Caloocan. Inihain dito ang warrant buhat sa Caloocan Regional Trial Court Branch 123.

ACIRC

ANG

ARMY CIANO

BAGUIO CITY

BARTOLOME BUSTAMANTE

CALOOCAN

CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CITY POLICE

JEFFERSON ALEJANDRO

JOMAR DAMASCO

MALABON REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with