Utol ng kaaway ang bumoga

MANILA, Philippines - Isang 27 anyos na construction worker na si Mark Joseph Manlapaz  ang namatay nang barilin ng kapatid ng isa niyang dating kaalitan sa Batuhan, Parola Compound, Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Pinaghahanap ng pulisya habang isinusulat ito ang suspek na kinilala lang sa alyas na Balls. 

Nabatid sa ulat ni PO3 Joseph Kabigting ng Manila Police District- Homicide Section na, bagaman Biyernes Santo, nakikipag-inuman si Manlapaz bandang tanghali sa may Area 6, Gate 54, Batuhan nang mapadaan ang isang alyas Lolong na  dati umanong kaaway ng biktima.

Dumampot ng isang jungle bolo si Manlapaz at hinahabol si Lolong pero nakita sila ni Balls na kapatid ni Lolong. Naglabas si Balls ng isang baril at  pinaputukan ang biktima hanggang matamaan ito at mapatay. (Ludy Bermudo)

 

 

Show comments