Milyong halaga ng deodorant hinaydyak ng mga ‘parak’
MANILA, Philippines – Hinarang ng mga unipormadong ‘pulis’ ang isang ten-wheeler truck na naglalaman ng mga produkto ng Unilever Philippines kung saan inabandona ang driver at pahinante sa lalawigan ng Bulacan, sa ulat kahapon.
Batay sa report ni Supt. Fernando Opelanio, hepe ng Manila Police District-Station 8, hatinggabi kamakaialan nang maganap ang hijacking sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at V. Mapa St. Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa ulat, anim na lalaki kung saan apat sa mga ito ang nakasuot pa ng PNP patrol uniforms sakay ng Toyota Avanza na kulay puti (TVB-847) ang sinasabing humarang at nanutok ng baril sa 10-wheeler truck na kargado ng milyong halaga ng deodorant product.
Ipinosas ang driver na si Marvin Orcojada, 28, at pahinanteng si Joey Pacao, 30, ng mga armado ng baril na mga suspek saka pinababa ng truck at pinasakay sa Avanza kasama ang tatlong suspek habang ang tatlo naman ang siyang kumumander sa truck.
Pagsapit sa Sta. Cruz, Bulacan ay pinababa ang dalawa ay tuluyan nang tinangay ng mga suspect ang truck.
Humingi ng saklolo sa Bulacan Police ang mga biktima bago sila inendorsong maghain ng reklamo sa MPD-Theft and Robbery Section.
- Latest