Holdaper arestado sa Quiapo

The media filing center for the Republican presidential debate at St. Anselm College includes a large video screen displaying motion graphics about how the candidates are trending on Google February 6, 2016 in Manchester, Iowa.

MANILA, Philippines - Arestado ang isang  pinaniniwalaang holdaper nang  sumigaw ng tulong ang isang  taxi driver na kanyang  sinakyan kamakalawa sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni MPD-Plaza Miranda PCP commander, Sr. Insp. Rommel Anicete,  ang suspek na si Bulkea Amir, 23 ng B6 Singkamas St. Marikina City.

Ayon kay Anicete, nagsasagawa siya ng  checkpoint sa gilid ng Quiapo Church, Quezon Blvd.  kasama si Sr. Insp. Eduardo Pama nang biglang  bumaba  at lumapit sa kanila ang  taxi driver na si Merari Salcedo, 57 ng  AFJ taxi na may plakang UVA-843.

Sinabi ni Salcedo kina Anicete na may  baril ang  kanyang pasahero kaya’t agad namang pinalibutan ang taxi at kinausap ang suspek at pinababa.

Agad namang  kinumpis­ka ni PO1 Rosario Cueto, Jr. ang improvised handgun  o sumpak ng suspek at pinosasan nina  PO1 John Pierre Bautista at PO1 Christopher Duran.

Nabatid kay Anicete na posibleng nais na holdapin ng suspek ang taxi driver subalit agad din namang nakahingi ng responde sa mga pulis.

Sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms ang  suspek habang    ikinulong din ito sa MPD-Station 3.

 

Show comments