BFP, nagbabahay-bahay sa kampanya kontra sunog

Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Bureau of Fire Protection na magbahay-bahay para payuhan ang publiko hinggil sa kampanya na maiwasan ang sunog sa kanilang lugar.

Ayon kay Senior Fire Officer Roel Difuntorum, chief ng Fire  Safety Enforcement section ng BFP, unang inilunsad ang kampanyang door-to-door sa Region 1 at sa iba pang mga rehiyon sa bansa  para bigyang paliwanag ang mga ito hinggil sa kung paano at ano ang mga dapat gagawin para maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.

Anya, namahagi rin sila ng mga leaflets sa mga komunidad  at nagsagawa din ng competitions at  fun run bilang bahagi ng programa ng ahensiya ngayong Fire Prevention  month at  upang maging fire-free at fire safe ang bansa ngayong Marso .

Muli ring pinaalalahanan ng BFP ang publiko na e-unplugged ang kanilang electrical appliances kung di ginagamit, itago sa mga  bata ang mga bagay na lumilikha ng apoy  tulad ng pos­poro at huwag kalimutan ang kandilang sinindihan sa oras ng brownouts.

Show comments