Vendor huli sa 1/2 kilo ng shabu

MANILA, Philippines - Arestado ang isang sidewalk vendor matapos itong makumpiskahan ng tinatayang  kalahating kilo ng shabu sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si John Miller Abdullatif, 33, nakatira sa Area 1, Brgy. Santa Lucia, Dasmariñas, Cavite ay nakakulong ngayon sa Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF), Camp Crame.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon mula sa kanilang asset ang naturang tanggapan hinggil umano sa ginagawang pagbebenta ng droga  ng suspek kung saan inihanda ang buy-bust operation sa Pasay City.

Nasamsam dito ang may kalahating kilo ng shabu. (Lordeth Bonilla)

Show comments