3 binaril sa ulo sa Mandaluyong

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong katao sa lungsod ng Mandaluyong matapos tambangan kagabi.

Nakilala ang mga biktimang sina Nelson Abina, asawang si Ronabel at isa pang lalaking nakilala lamang sa pangalang Nonoy.

Pawang may mga tama ng bala sa ulo ang mga biktima nang matagpuan ng mga awtoridad sa kanilang bahay sa Block 39 sa Barangay Addition Hills.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-10 ng gabi nangyari ang insidente.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng 9mm at .45 caliber pistols.

Inaalam pa rin ang motibo sa likod ng krimen at kung sino ang gunman.

Show comments