^

Metro

Parak sugatan sa ‘tulak’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office- Regional Police Holding and Accounting Unit (NCRPO-RPHAU)  ang sugatan matapos barilin ng isang kilalang drug pusher sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Isinasailalim sa surgical operation sa Metropolitan Memorial Medical Center  si PO1 Conceso Mirasol, Jr., 30 dahil sa bala na tinamo nito sa kaliwang hita at sa leeg..

Batay sa ulat ng Manila Police District-station 1, mismong si Mirasol na rin ang nagbigay ng pangalan ng gunman na isa umanong Rizaldy Salinas alyas “Zaldy Barabas”, ng no. 132 Dela  Fuente St., Bgy. 122, Zone 9, District 1, Tondo na putok umano ang pangalan bilang drug pusher sa kanilang lugar.

Sa naging salaysay ni Mirasol, nagtungo siya sa Pacheco st, sa panulukan ng Osmeña at Lacson sts., sa Tondo upang isoli umano ang hiniram niyang scooter sa isang kaibigan nang makasalubong ang suspek at sinabihan siya na “Hinahanap mo raw ako?” “Eto na ako!”… kasunod ng pagbunot ng baril mula sa beywang at pinaputukan ng dalawang beses si Mirasol.

Agad namang sumaklolo si PO1 Mark Louie, nakatalaga din sa NCRPO-RPHAU, at dinala si Mirasol sa pa­gamutan.

Sa imbestigasyon, luma­labas naman na mas maaga pa ay nasa lugar na si Mirasol, taliwas sa kaniyang pahayag. Nakita rin sa closed circuit television (CCTV) footage na may nakasukbit na baril sa kaniyang beywang

Batay pa sa report na isinumite ni Supt. Redentor Ulsano, hepe ng MPD-station1, maaring ang barilan sa pagitan ng pulis at ni alyas Barabas ay may kaugnayan sa iligal na droga at matagal nang alitan dahil base sa impormasyon mula sa tserman ng Brgy. 122, si Mirasol ay kasamahan ni alyas “JR Bait” na pumatay naman sa pinsan ni alyas Barabas  noong taong 2013 matapos umanong hindi mai-remit ng buo ang bayad sa kinuhang iligal na droga.

Matatandaang si alyas “Zaldy Barabas” ay napaulat kamakailan na pakay sa pagpatay naman ng isang alyas “Cabron” na isa ring lider ng sindikato ng droga sa lugar. Ibinayad ni Cabron umano sa isang “Mario Poklat” ng  halagang P300,000 upang patayin si Zaldy Barabas subalit na-estafa lamang si Cabron at hindi napatay si Barabas.

Naging dahilan naman ito upang magalit umano si Cabron at hantingin si Mario Poklat hanggang sa patayin ng grupo ni Cabron sa lugar ni Mario Poklat ang pamangkin na si  Charles Russel Lao, 18 anyos kamakailan.

Kinabukasan naman ay rumesbak si Mario Poklat dahil sa pagkamatay ng pamangkin at naghasik ng takot sa mga estudyante ng Magat Salamat Elementary School at MLQ Elem School, kung saan may bitbit na granada at armalite, habang nakasuot ng uniporme ng pulis.

BARABAS

BATAY

CABRON

CHARLES RUSSEL LAO

CONCESO MIRASOL

ELEM SCHOOL

MARIO POKLAT

MIRASOL

ZALDY BARABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with