Kumidnap sa beybi sa ospital, kinasuhan

MANILA, Philippines – Pormal nang sinampahan kahapon ng kasong kidnapping sa Taguig City Pro­secutor’s Office ang babaeng kumidnap sa bagong silang na sanggol na lalaki kamakailan sa isang ospital.

Nabatid kay Chief Inspector Benito Basilio, hepe ng Taguig City Police,  Criminal Investigation Division, sinampahan na nila ng kasong kidnapping ang suspek na si Roseman Mañalac, 24.

Matapos nitong kidna­pin ang sanggol na si baby Francis John, anak ng mag-asawang Cherry at Johnerel Bacailo noong Pebrero 12, alas-9:25 ng gabi sa Taguig-Pateros District Hospital.

Matatandaan, na nadakip si Mañalac sa isinagawang follow-up operation ng Taguig City Police, Biyernes (Peb­rero 20), alas-9:00 ng gabi  sa tini­tir­han nito sa Aguahan Dos, Brgy. Bagumbayan, Taguig City.

Sa salaysay ni Cherry, ilang oras matapos niyang ipa­nganak ang kanyang sanggol at habang katabi niya ito sa higaan isang babaeng nagpakilalang taga-social welfare office ang lumapit sa kanya.

Naka-ID umano ang ba­bae at nagpakilalang si Ms. Lily at maayos naman umano itong nakipag-usap at nagpapaliwanag ukol sa mga bagong  patakaran ng DSWD ukol sa pagbibigay ng discount.

Umalis umano ang babae sandali at muling bumalik at kinuha ang kanyang anak dahil naka-schedule umano ito para sa new-born screening­ hanggang sa tulu­yan na nitong tinangay.

Show comments