^

Metro

Obrero dedo sa boga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang construction worker makaraang pagbabarilin ng isang suspect habang ito ay nagpapahinga sa isang lugar sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.             

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center  ang biktimang si Jerelie Bustamante, 34, construction worker na nagtamo ng  mga tama ng bala sa kanyang katawan habang inilarawan naman ang suspect na nasa pagitan ng edad na 30-35, nakasuot ng itim na t shirt, short pants, at cap na may tatak na red bull.

Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Santan St., Bgy. Batasan Hills, ilang hakbang ang layo sa bahay ng biktima na nasa Block 88, Lot 44, ganap na alas 3:45 ng hapon.

Nakaupong nagpapahinga ang biktima nang biglang sumulpot ang suspect at biglang pinagbabaril ang una.

Nang maisakatuparan ng suspect ang krimen agad din itong naglakad papalayo sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente. ?

 

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

AYON

BATASAN HILLS

BGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JERELIE BUSTAMANTE

NAKAUPONG

NANG

SANTAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with