12-anyos na naputulan ng binti nang mahagip ng tren, pumanaw na rin

MANILA, Philippines - Pumanaw na rin kama­kalawa ng gabi ang isa pang 12-anyos na batang lalaki na naputulan ng binti matapos mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Paco, Maynila, ayon sa ulat kahapon ng Manila Police District (MPD).

Nasawi habang ginagamot Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Stephano Cortez, ng Ba­tangas Line Paco, Maynila.

Una nang nasawi sa in­­sidente­ ang kalaro nitong si Reil Ryle Balan, 12, ng Osmeña Highway, Paco na lumabas pa ang utak nang masagasaan ng tren ang ulo nito.

Sa ulat ni PO3 John Allan Badilla ng MPD-Special Investigation and Detection Branch-Vehicle Traffic In­vestigation Section, naganap  ang insidente dakong alas-2:10 ng hapon ng Miyerkules.

Nahaharap na sa kasong reckless imprudence re­sulting  in  homicide si Jake Sevilla ang operator ng  PNR train   body no. MSC-1337.

Show comments