Paggamit ng parcel services sa ilegal na droga, talamak – PDEA

File photo

MANILA, Philippines - Ang paglalagay ng iligal na droga sa pamamagitan ng isang liham at kapirasong courier service ang pangu­nahing estratehiya ngayon ng mga sindikato para mapalawak ang distribusyon nila ng illegal na droga. 

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.,  ito ang nabatid ng kanilang tanggapan sa may 38 anti-drug ope­rations na ginawa sa buong kapu­lungan kung saan lumitaw na ang sulat at parcel service ang pangunahing ginagamit na  pamamaraan ng pagpapakalat ng iligal na droga noong 2014.

 “Ladies’ sandals, milk cartons, and electronic devices are some of the materials used to conceal the contraband found inside the seized packages­,” sabi pa ni Cacdac.

Sa resulta ng nasabing operasyon, nasabat ng PDEA at iba pang law enforcement agencies ang kabuuang 11.29 kilos ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, 3.25 kilos ng marijuana at 1,044 piraso ng ecstasy tablets.

Naaresto rin sa operasyon ang may kabuuang 20 consignees at drug personalities.

 Dalawang buwan ang nakakalipas, nasabat ng mga operatiba ng PDEA ang isang pakete na naglalaman ng  250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 million na nakasilid sa may 50 piraso ng plastic sachet at nakatago sa loob ng isang swelas ng sandals na pambabae sa Butuan City.

 Sa Ozamis City, isang pakete na naglalaman ng isang kilo ng shabu na nagkaka­halaga ng P7 million ang nasabat ng tropa ng PDEA at PNP noong September 9, 2014 sa isang sangay ng local courier service. Ang droga ay naka­balot sa isang carbon paper  at selyadong malaking pack ng transparent plastic.

Nitong June 27, 2014, isang pakete na naglalaman ng 200 grams ng shabu na nakatago sa loob ng isang itim na  black speaker ang nasabat sa kilalang courier service sa Puerto Princesa City, Palawan.

Show comments