Sangay ng LBC, naholdap

MANILA, Philippines – Isa na namang sangay ng LBC sa lungsod Quezon ang hinoldap ng isang armadong lalaki at tinangay ang aabot sa P40,000 halaga ng kinita nito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 7, alas- 6:30 ng gabi nang holdapin ang sangay ng LBC sa Phil­am Life Building na matatagpuan sa Aurora Blvd., Araneta Center, Cubao sa lungsod. Ayon kay SPO2 Archie Garcia, may-hawak ng kaso, nag-iisa lamang ang suspect na nakasuot ng itim na leather jacket, bullcap, at nasa pa­gitan ng edad na 20-25.

Bago ang insidente, nag­hahanda umano ng kanilang reports ang mga kawaning sina Jahzeel Amar, customer associate at Rosemarie Velasco, sa loob ng na­sabing tanggapan nang biglang pumasok ang suspect saka nagdeklara ng holdap.

Agad na tinutukan ng baril ng suspect si Velasco at hiningi ang nasabing pera, saka mabilis na lumabas ng ahensya at naglakad patakas patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Nitong nakaraang buwan, isang sangay din ng LBC na matatagpuan sa Aurora, Brgy. E. Rodriguez ang hinoldap kung saan may P20,000 halaga ng kita nito ang na­tangay.

Show comments