2 paaralan sa Maynila nasunog

MANILA, Philippines - Dalawang paaralan sa lungsod ng Maynila ang nasunog kagabi.

Nasunog ang Gregorio del Pilar Elementary School sa panulukan ng Abad Santos at Recto, habang nadamay naman ang katabing paaralan nito bandang 9:30 kagabi.

Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa kantina ng Gregorio del Pilar School na kaagad kumalat.

Tinatayang nasa P35 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog na tumagal ng halos limang oras.

Bandang alas-2 na ng madaling araw naapula ang apoy.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Show comments