Trucks bawal na uli sa Roxas Boulevard

MANILA, Philippines - Hindi na pwedeng dumaan ang mga trak sa kahabaan ng Roxas Blvd. ma­tapos na hindi na magbigay ng extension ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dito.

Nabatid na tuluyan nang nagtapos kamakalawa (Peb­rero 15) ang dalawang linggong ibinigay na pahintulot ng MMDA sa mga trucks para dumaan sa naturang lugar na nagsimula noong Pebrero 2.

Alinsunod na rin ito sa ka­hilingan ni Secretary Rene Almendras, head ng Cabinet Cluster on Port Congestion bilang bahagi pa rin sa pagtugon sa problema ng port congestion.

Paliwanag ni Tolentino, hindi na maaring palawigin pa ang ibinigay nilang permiso sa mga truck dahil bukod sa maraming events na  gaganapin dito ay nagsisimula na ang DPWH na ayusin ito bilang paghahanda sa gaganaping APEC summit sa  darating na buwan na Nobyembre.

Matatandaan,  simula noong  Pebrero 2 hanggang Pebrero 15, pansamantalang pinayagan ng MMDA ang  mga truck na makadaan sa Roxas Blvd. mula alas-12:00 ng hating­gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.

 

Show comments