^

Metro

Mag-asawa nilason ang 3 anak, saka nag-suicide

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatay muna ng mag-asawang Taiwanese national ang kanilang tatlong anak bago nagpakamatay sa loob ng kanilang tahanan sa San Juan City, kahapon ng umaga­.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Luis Hsieh, 50; at asawang si Ro­xanna Hsieh, 53; at kanilang mga anak na sina Amanda Hsieh, 19; Heffrey Hsieh, 14; at John Hsieh, 12, pawang residente ng 13 GV2 Midland Park Manor Condo, Ortigas Avenue, corner Madison St., sa Brgy. Greenhills, San Juan City.

Ayon kay San Juan Police Chief Superinten­dent Ariel Arcinas, ang bangkay ng mag-asawa at ng dalawang anak na lalaki ay natagpuan sa master’s bedroom dakong alas-9:30 ng umaga habang ang bangkay naman ni Amanda ay nasa loob ng kanyang kuwarto.

Hinihinalang pinakain muna ng pagkaing may pampatulog ng mag-asawa ang kanilang mga anak bago tinakluban ng plastic at tape sa kanilang mga mukha upang hindi makahinga at mamatay.

Nang maisagawa ang krimen ay saka nagpakamatay ang mag-asawa.

Lumilitaw din sa imbestigasyon na wala namang forcible entry sa tahanan at wala ring anumang sugat sa katawan ang mga biktima.

Nag-iwan pa umano ng dalawang suicide note si Roxanna sa tabi ng lababo sa kusina na malapit sa kuwarto ng mga katulong na si Livina Econia, 21, stay-in, na nagbibigay dito ng instruction na ibigay ang isang liham sa kaibigan nitong si Ama Grace, na isang doktora na kapit­bahay din ng mga biktima; habang ang isa pa ay para sa administrator ng sub­dibisyon.

Dakong alas-6:30 ng umaga­ nang matagpuan ng katulong ang liham ngunit alas-9:00  ng umaga pa niya ito ibinigay sa mga kinauukulan batay na rin sa habilin ng amo.

Nang mabasa naman ng doktora ang liham ay kinila­butan ito at kaagad na nagtungo sa tahanan at kasama ang katulong at dalawang pulis, ay kinatok ang kuwarto ng mga biktima.

Pinuntahan nila ang mag-anak at tumambad  ang mga bangkay ng mga ito.

Hi­nihiling din ng mga biktima sa suicide note na ipa-cremate na lamang ka­agad ang kanilang mga bangkay.

Sa salaysay naman sa pulisya ng mga ka­tulong, sinabi ng mga ito na wala naman silang narinig na anumang komosyon mula sa kuwarto ng mga biktima mula gabi maging kahapon ng madaling-araw.

Gayunman, sinabi nito na nagluto umano ang kanilang among babae ng pagkain at binilinan silang huwag itong kainin dahil para ito sa kanilang mga anak.

Tutukuyin din aniya nila kung sino sa mga biktima ang unang namatay at huling namatay upang matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Ayon pa kay Arcinas, nakakalap sila ng impormasyon na may problema sa negosyo ang pamilya na sinasabing may pagkaka­utang na aabot sa milyong piso ang halaga bagamat kinukumpirma pa nila ito.

Sa kabila naman nito, patuloy pa ring iniimbes­tigahan ng mga awtoridad ang insidente upang ma­tukoy kung ano ang talagang nangyari sa mga biktima.

AMA GRACE

AMANDA HSIEH

ARIEL ARCINAS

AYON

BIKTIMA

KANILANG

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with