Motor sumemplang, rider patay

MANILA, Philippines - Patay dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan ang isang 17-anyos na estudyante habang malubha naman ang kasamahan nitong kapwa bina­tilyo makaraang sumemplang lulan ng isang motorsiklo, kahapon ng ma­daling-araw sa Navotas City.

Nakilala ang nasawi na si Ahl G. Quinto habang sugatan naman si Monsor Simeon, 16.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-3:50 ng madaling-araw nang suma­yad sa gutter sa M. Naval St. ang sinasak­yang XRM motorcycle (PP 4781) ng mga biktima sanhi ng kanilang pagsemplang.

Ayon sa mga rumespondeng tanod ng Brgy. San Roque, kapwa umano walang suot na crash helmet ang dalawang binatilyo at nangangamoy alak.

Agad namang naisugod sa paga­mutan ang mga biktima ngunit nala­gutan agad ng buhay si Quinto dahil sa tindi ng pinsalang natamo.

Show comments