Trader itinumba ng tandem

MANILA, Philippines – Bulagta ang 38-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa tapat ng kanyang tindahan sa Marikina City kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Angelito Rayos ng Gumamela Street sa Barangay Malanday sa nabanggit na lungsod. Ayon sa police report, magsasara ng tindahan ang biktima nang lapitan at ratratin ng tandem kung saan isang bystander naman na si Fletiyo Tarucan ang nadaplisan ng bala sa binti. Narekober sa crime scene ang 17-basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments