MANILA, Philippines – Umaabot sa 508 tableta ng ecstasy ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC) sa loob ng post office sa Las Piñas City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nadiskubre ang package na naglalaman ng droga mula sa The Netherlands na tumitimbang ng 216 gramo. Ang package ay ipinadala ng isang J. Vermolen ng Watergraasmeerstraat 35 2131DB Hoofddrop, Netherlands at naka-consigned sa isang Martin Sean Duenas ng 89 Bacolod Street., Alabang Hills Village, Muntinlupa City. Sa Tala ng PDEA, nasabat din ang 1,010 piraso ng ecstasy sa PhilPost Central Office, Parañaque City noong Enero 8, 2015.