Sekyu todas sa tandem

MANILA, Philippines – Patay ang isang security guard matapos na pagbabarilin ng riding in tandem, kamakalawa ng gabi sa Velasquez, Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Roger Garcia, 42, residente ng  Bgy. 105, Building 3, Temporary Housing, Tondo,Maynila.

Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Arnel Tobias ng  MPD-Station 1 na naglalakad  na pa­uwi ang biktima sa Infanta bridge mula sa kanyang  duty nang sundan ng mga suspect at paputukan sa katawan.

Bagama’t may tama, nagawa pang humingi ng tulong ng bikitima.

Dito ito muling binaril ng isa mga suspek ang biktima saka nagsitakas.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan siubalit hindi rin na­isalba pa ang buhay.

Blangko pa ang pu­lisya sa motibo ng krimen.

Show comments