^

Metro

‘Dalaw’ sa Bilibid, ibinalik na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos matukoy ang mga responsable sa pagpapasabog na ikinasawi ng isang inmate at pagkasugat ng 19 pa, ibinalik na ang pagpapatupad ng dalaw sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon. Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni Bureau of Correction (BuCor) Director Frank­lin Jesus Bucayu, na tinanggal na ang ban sa dalaw sa mga inmates. Sa ngayon ay dalawang araw na lamang muna pwedeng dalawin ang mga preso ng kanilang mga kaanak, ito ay ang mga araw ng Sabado at Linggo, simula alas-8:00 ng umaga­ hanggang alas-3:00 ng hapon, na dati-rati ay limang araw.

Nilinaw ng BuCor, na tanging mga immediate family lamang ang maaaring  bumisita sa mga preso habang ang kanilang mga abogado kahit anong oras at araw ay pwedeng dumalaw. Saka na lang aniya papayagang dumalaw ang mga kaibigan o iba pang kamag-anak kapag iniatas na ng DOJ na pwede nang ibalik sa dati ang dalaw sa mga preso.

 Pansamantala namang hindi  ibinunyag ang mga pangalan ng tatlong presong sangkot sa pagpapasabog ng granada na pawang miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang na kasalu­kuyang  naka-bartolina na ang mga ito.

 Ayon kay  Bucayu,  sasampahan na nila ng kasong murder ang tatlo  sa Muntinlupa  City Regional Trial Court. Isa sa motibo sa pagpapasabog ay upang hadlangan ang mga repormang ginawa ng BuCor sa loob ng NBP.

BUREAU OF CORRECTION

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DIRECTOR FRANK

JESUS BUCAYU

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

SIGUE-SIGUE SPUTNIK GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with