^

Metro

Trike driver itinumba ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect habang ang una ay namamasada sa Brgy. Commonwealth  lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 6, ang biktima ay nakilalang si Ro­berto Bejo, 30, ng nasabing barangay.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may bahagi ng Pilot Drive Sitio Balon MRB Building ng nasabing ba­rangay pasado alas-4 ng hapon.

Sinasabing namamasada ang biktima nang biglang sumulpot ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo at sunud-sunod na pagbabarilin ang una hanggang sa mamatay.

Agad namang tumakas ang suspect matapos isagawa ang krimen.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad kung ano ang motibo sa naturang krimen.

vuukle comment

BEJO

BIKTIMA

BRGY

DRIVE SITIO BALON

ISANG

PATULOY

QUEZON

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with