Basurero nagbigti

MANILA, Philippines – Patay na nang madiskubre ang isang 29-anyos na ba­surero na nakabigti sa puno ng narra  sa Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Noel Berongoy, ng Cristobal St., Paco, Maynila.

Sa  ulat ni SPO2 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng gabi nang madiskubreng nakabitin ang biktima gamit ang electrical wire sa puno ng narra sa Quirino Extension, malapit sa Paz St., Paco.

Bago ito, nakita umano ang nasawi na pabalik-balik sa lugar at mistulang balisa ayon sa ilang kabataang nakatambay sa lugar at sila rin ang nakakita na nakabigti na ito sa puno sa paglipas ng ilang oras.

Show comments