^

Metro

Bilibid muling sinalakay

Lordeth Bonilla at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagsagawa ng ins­peksyon ang grupo ni DOJ Secretary Leila de Lima at mga kongresistang miyembro ng Committee on Justice  sa New Bilibid Prisons (NBP), Muntinlupa City kahapon kaugnay sa isinusulong na modernisasyon sa naturang bilangguan.??

Alas-9:00 kahapon ng umaga nagsimulang mag-inspection  ang mga awtoridad sa buong Maximum Security Compound ng NBP.

Partikular na sinuri  nina De Lima  at ng mga mambabatas sa pangunguna ni Iloilo Representative Neil Tupas; Congressman Samuel Pagdilao;  operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI); SWAT Team; mga prison guard at kasama ang grupo ng mga mamamahayag ang mga kulungan ng 13 gang dito..

Nabatid, na kabilang sa  isinailalim sa inspection ang grupo ng Commando, Sigue Sigue Sputnik gang, Genuine Ilocano, Batang City Jail, Batang Mindanao, Batman at iba pa.??

Pinuntahan din ang mga kubol at ang pinangyarihan ng pagsabog na ikinasawi ng isang preso at ikinasugat ng 20 iba pa.??

Ipinakita rin ng mga awtoridad sa mga mamamahayag ang sangkaterbang nasamsam na mga cellphone, baril, patalim at appliances tulad ng TV, refrigerator, oven, stereo, computer  at iba pa.??

Sinabi ni Tupas, layunin nang  inspection,  na malaman ang mga dapat pang pagbabago sa mga bilangguan partikular sa NBP sa harap ng nalalapit na pagpapatupad ng BuCor Modernization Act.??

Hanggang sa ngayon ay ipinagbabawal  pa rin ang dalaw sa NBP, kung kaya’t maraming mga kaanak ng mga preso ang nakaabang lang sa labas ng naturang kulungan.

BATANG CITY JAIL

BATANG MINDANAO

CONGRESSMAN SAMUEL PAGDILAO

DE LIMA

GENUINE ILOCANO

ILOILO REPRESENTATIVE NEIL TUPAS

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with