‘Gagamboy’, lumundag sa trak nadedo

MANILA, Philippines – Patay ang isang 14-anyos na ‘gagamboy’ nang madulas makaraang tumalon sa isang  trailer truck, at mabagok ang ulo, kagabi sa Bi­nondo, Maynila.

Dead-on-the-spot si Joel Puno, ng Area B, Parola Com­pound Binondo, Maynila habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck (PYX-262 ) na si Arniel Rayos­, 33, ng Dr. A. Santos Ave., Pa­ra­ñaque City.

Sa ulat ni  SPO1 Mario Lising, ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa Gate 52 Parola Compound.

Minamaneho ni Rayos  ang truck  patungong Parola Compound nang pagsapit sa may Gate 52, ay tinangka ng biktima na sumampa sa truck.

Minalas namang hindi naka­sampa ang biktima sa loob ng truck at tumama ang ulo sa kaliwang bahagi ng tractor head malapit sa gulong.

Patuloy naman iniimbestigahan ng MPD-TEU ang kaso.

Show comments