^

Metro

Sagabal sa trapik, winalis sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng seguridad at paghahanda sa pagdating ng Santo Papa  sa Huwebes, sinimulan na rin ng  lungsod ng Maynila ang pagpapaalis sa mga sasakyang naka-park sa harap ng mga business establishment at  hotels   na malapit sa Luneta Grandstand.

Kahapon ay personal na  nag-ikot si  Manila Vice Mayor Isko  Moreno sa  kahabaan ng Roxas Blvd., Kalaw at Taft Ave. at  inisa-isa ang mga  business establishment base sa memorandum at  advisory na kanilang ipina­dala kung saan nakasaad na kaila­ngang alisin ang mga sasak­yan at ipinagbabawal ito mula kahapon hanggang  sa Enero 19 kung saan naka­takda ang  pagbisita at pananatili ni Pope Francis.

Ayon kay Moreno, kaila­ngan lamang   ng kooperas­yon ng mga negosyante upang  matiyak ang seguridad at kaayusan ng mga kalsada malapit sa Luneta kung saan magmimisa ang  Santo Papa sa Enero 18.

Nagkabit din ng mga tarpaulin sa mga nabanggit na lugar upang mas maging malinaw sa ibang  motorista.

Alas-12 ng tanghali nang  magsimula ang pagpapa-alis sa mga sasakyan. Imo-monitor naman ng  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang mga ito kung saan nakaantabay ang mga towing sakaling magmatigas ang mga ito at balewalain ang  memorandum.

Pinapayuhan naman ng Bise Alkalde ang mga nagpa-park sa nasabing lugar na  maghanap ng parking  upang makaiwas sa abala. Hindi aniya mag-aatubili ang mga towing na hilahin ang mga sasakyan sa mga ipinagba­bawal na lugar.

BISE ALKALDE

ENERO

LUNETA GRANDSTAND

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MANILA VICE MAYOR ISKO

MORENO

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with