5 bilanggo sa NBP, binartolina

MANILA, Philippines – Lima pang bilanggo ang binartolina matapos na mu­ling makakumpiska ng mga kontrabando tulad ng droga at perang nagkakahalaga ng P.6 million ang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency at Muntinlupa City Police sa maximum security compound ng New Bilibid Prison kahapon ng umaga. Kinilala ang mga ito na sina Gene Pasco; Kingbert Doramo; Noel Armejo; Joselito Vallente at Brando Ramirez.

Nakumpiska sa mga ito ang P600,000.00 cash, listahan na may kaugnayan sa droga, mga martilyo, tools, screw driver, mga shabu, sex toy, laptop, at telebisyon.

Iniimbestigahan na rin ang mga ito kung may kinalaman sa naganap na pagsabog sa piitan noong nakalipas na Huwebes­ kung saan isang preso ang nasawi habang nasa 19 pa ang nasugatan.

Show comments