MANILA, Philippines - Patay ang isang 20-anyos na binata nang bistayin ng bala sa harapan ng kaniyang bahay sa Parola Compoind, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nasawi habang isinasailalim sa operasyon ang biktimang kinilalang si Alexander Gibao, ng Parola Compound, Tondo, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Rimmel del Rosario, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa tapat ng bahay nito. Nang respondehan ng mga awtoridad ang lugar, wala umanong nais magsalita ukol sa insidente.
Dahil dito, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen.