Kelot dinos-por-dos ng 5 bagets

MANILA, Philippines - Utas ang isang 40- anyos na lalaki nang pag­tulungang hata­win ng dos por dos ng limang kabataan sa isang binyagan sa Tondo, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Agaw buhay nang ma­­mataan sa riles sa Laguna Extension, Tondo ang  biktimang si Gilbert Martinez, residente ng Laong-Nasa St., Tondo, Maynila na mabilis na isinugod sa pagamutan pero idineklara ring dead on arrival.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, nanggaling umano ang biktima sa pabinyag ng anak ng kaniyang pinsan nang ma­tagpuan itong duguan dakong alas-7:16 ng gabi, kamakalawa.

Ayon sa ilang testigo limang kabataang lalaki ang kumuyog na may hawak na dos por dos at pumapalo sa biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigas­yon sa insidente.

Show comments