1 preso patay, 20 sugatan sa pagsabog sa Bilibid

MANILA, Philippines (UPDATED) – Isa ang patay, habang 20 ang sugatan sa pagsabog ng isang granada sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ngayong Huwebes.

Ayon kay Bureau of Corrections director Jesus Bucayo, bandang 9:55 ng umaga naganap ang pagsabog sa loob ng maximum security compound.

Isang MK2 fragmentation grenade ang ginamit sa pagsabog base sa mga nakuhang parte ng granada.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments