^

Metro

Trader ninakawan na, binaril pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang negosyante nang barilin ng isa sa apat na hindi kilalang kalalakihan na nanloob sa kanyang bahay sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot  sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Francisco Lee, 64, meat dealer at nani­nirahan sa Apelo Cruz Extension, Malibay ng naturang lungsod sanhi ng tinamong isang tama ng bala  ng baril sa pigi.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon nina SPO3 Fernando Aquilin at PO3 Lorence Osias ng Station Investigation and Detective (SID) Management Branch ng Pasay City Police naganap ang insidente alas-8:45 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na kumatok sa pintuan ng bahay ang dalawa sa apat na suspek at nang buksan ng una ang pintuan ay sabay itong itinulak papasok sa loob at tinutukan ng baril.

Sapilitang ipinalabas ng mga suspek ang pera ng biktima, subalit nang walang mailabas o maibigay na pera ay binaril ito ng dalawang beses at tinamaan ito sa kanang pigi.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek na kung saan nagsilbing look out naman ang dalawa pang kasamahan nito na lulan ng dalawang motorsiklo.

Agad naman isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa nasabing pagamutan.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang nang­yaring insidente.

APELO CRUZ EXTENSION

FERNANDO AQUILIN

FRANCISCO LEE

LORENCE OSIAS

MANAGEMENT BRANCH

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with