TODA president tinodas sa Tondo

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver matapos tambangan sa Maynila ngayong Martes.

Ayon sa isang ulat sa radyo, nakilala ang biktimang si Eugene Gose, pangulo ng Parola Compound Tricycle Drivers Association.

Base sa pangunang imbestigasyon, lulan ng kanyang tricycle si Gose nang pagbabarili ng hindi pa nakikilalang suspek sa Gate 1 ng Parola, Compound sa Tondo, Maynila.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo at sino ang nasa sa likod ng pamamaslang.

Iniimbestigahan na rin ng mga pulis ang away na napabilangan ni Goss sa isang Christmas Party.

Show comments