Suspek sa Kenny Rogers robbery tinutugis

MANILA, Philippines – Naglunsad na ng manhunt operation ang Philippine National Police laban sa mga nangholdap sa isang branch ng fastfood restaurant sa lungsod ng Quezon kahapon.

Ayon sa ulat, bandang alas-7 ng umaga naganap ang isidente sa Kenny Rogers sa Quezon Avenue.

Kaagad dinisarmahan at tinalian ng dalawang holdaper ang security guard bago pinagkukuha ang gamit ng mga customer.

Isa sa mga natangay ng mga holdaper ang Rolex na rilo na nagkakahalaga ng P300,000.

Nailabas na ng PNP ang digital sketch ng mga suspek upang maipakalatsa publiko.

Show comments