^

Metro

9 na bahay naabo sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na namang sunog ang sumiklab sa bahagi ng Quezon City na lumamon ng may siyam na bahay at puminsala ng halagang P200,000, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, sa lungsod, naganap ang sunog sa may Anak Bayan St., Bgy. Paltok, ganap na ala-1:20 ng madaling-araw.

Nagsimula ang sunog sa may inookopahang bahay ng isang Jimmy Lana, 60 na umano’y gumagamit ng kandila dahil sa walang kur­yente.

Dahil gawa lamang sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang mada­may ang kalapit bahay nito.

Mabilis naman ang res­ponde ng mga pamatay sunog kung kaya agad din itong naapula ganap na alas-2:15 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog, habang aabot sa 11 pamilya ang naapektuhan nito.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

ANAK BAYAN ST.

AYON

BGY

DAHIL

ISA

JESUS FERNANDEZ

JIMMY LANA

MABILIS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with