^

Metro

MMDA sa mga deboto huwag magkalat sa Pista ng Nazareno at Papal Visit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpaalala na ang pamunuan ng Metropolitan Ma­nila Development Authority (MMDA) sa mga deboto ng itim na Nazareno at maging sa mga dadagsa sa pagbisita ni Pope Francis sa Maynila na iwasan ang pagtatapon ng basura upang hindi maging kahiya-hiya ang bansa sa mundo.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na inaasahan na naman nila ang pagdagsa ng milyon-milyong deboto sa Pista ng Itim na Nazareno at mga problema sa santambak ng basura na kanilang iiwan.

Noong nakaraang taon, nasa 336 tonelada o katumbas na 28 trak ng basura ang kanilang nakolekta sa mga ruta na dinaanan ng prusisyon sa Maynila.

Tulad rin ng nakaraang Pista, ipatutupad ng MMDA ang pagsunod ng kanilang mga streetsweeper sa dulo ng prusisyon upang agad na walisin ang mga basurang iniiwan ng mga deboto na karamihan ay mga bote ng tubig, pabalat ng pagkain, plastik at iba pa.

Ngunit sa pagbisita naman ng Santo Papa, sinabi ni Tolentino na hindi nila ma­gagawa ang naturang sistema tulad ng sa Pista.  Kaila­ngan na lamang umano ng ibayong disiplina ng mga ma­­nanampalataya para hindi malagay sa kahihiyan ang bansa sa mata ng ibang nasyon.

Ilan sa mga pampubli­kong lugar na pupuntahan ni Pope Francis ang Manila Cathedral at Rizal Park sa Maynila at Mall of Asia Arena sa Pasay City.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEVELOPMENT AUTHORITY

MALL OF ASIA ARENA

MANILA CATHEDRAL

MAYNILA

METROPOLITAN MA

PISTA

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with