MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 27-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Presidente Avenue sa Barangay BF Homes, Parañaque City kahapon.
Naisugod pa sa Parañaque Medical Center subalit namatay habang ginagamot ang biktimang si Joey Dick Santos, binata, ng Barangay Sun Valley sa nabanggit na lungsod.
Sa police report na natanggap ni P/Senior Supt. Ariel Andrande, hepe ng Parañaque City PNP, naganap ang pamamaslang bandang alas-2:30 ng hapon kung saan sakay ng kanyang Ford Ranger (WQW-282) ang biktima kasama nito ang dalawang pinsan.
Halos matulala naman ang mga pinsan ni Santos matapos masaksihan ang pamamaslang habang patuloy ang imbestigasyon. (Lordeth Bonilla)