MANILA, Philippines – Limang bahay ang natupok ngayong araw ng Pasko sa lungsod ng Makati.
Ayon sa ulat, bandang 2:25 ng umaga nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Gloria Calimag sa kalye ng Balagtas sa Barangay West Rembo, Makati
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumagal ng halos 30 minuto.
Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog na idineklarang fireout bandang 3:05 ng madaling araw.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.